about this blog

Others want it hard, others semi-hard. A few have it poached from them. The rest wants the freakin’ cacophony of an omelette. As for me, I want it sunny side up – life, that is.

Saturday, January 29, 2011

Let’s talk about sh*t baby

[Pasintabi po sa mga kumakain o sensitive ang tyan. Ay susunod na entry ay may kinalaman sa bagay na tinatawag nating “tae” or “dumi”.]

Simula nung nagkasakit ako nung Lunes, ang kinakain ko lang ay…



at…



at todong lumaklak ng…


Sabi ng doctor, nagkaroon daw ako ng influenza. Dahil ako ay natural na kontrabida, I beg to disagree. Pakiramdam ko ako ay nagka-Gastroenteritis.

At bakit ako nagmamarunong? Ito lang naman ang mga pinagdaanan ko:

1. Habang umuulan ng Lunes ng umaga, may sinat na ako na naging full-blown sakit pagdating ng hapon. Salamat nga pla sa van sa ilalim ng Ayala station na mahina ang aircon. In some other day siguro susumpain kita pero love na love kita nung Lunes. Pag uwi ko, narealize ko na sobrang lamig na sa Pilipinas at magugunaw na ang mundo.

2. Namilipit ang tyan ko kinabukasan na sinundan ng malimit na pagbisita sa palikuran. ‘Nnuff said. Ang sabi ng bestfriend kong nurse ay baka may amoebiasis daw ako. Pag ganun daw, amoy panis at mabula ang ebs (eeeeewe…). Hindi naman ako umabot sa puntong yun. Let me stress lang na masakit talaga ang tyan ko na akala ko may appendicitis na ko.

3. Sobrang nanghina ako na kahit pagtayo at pagsesepilyo ay hindi ko na kinaya. Mumog na lang ang katapan. I love cavities muna.

4. Namayat ako ng a few pounds. Tubig lang pala (o alcohol) ang na-gain ko this Holiday season.

Habang namimilipit ang tyan ko sa sakit, napaisip ako na malungkot magkasakit kapag malaki ka na. Wala ng bibili ng Sky Flakes at Royal Tru Orange. Wala na din magpupunas ng alcohol (hindi Red Horse – yung rubbing alcohol) para mapanatiling malinis ang katawan. Wala na din hihipo ng noo para i-check kung may sinat. At pangarap na lamang ang pasalubong na Jollibee Chicken Joy pag-uwi galing opis.

Boo hoo

Monday, January 24, 2011

Kailangan ko ng Running Coach

Baka naman may kilala kayo. Desperate times lang talaga. I need it para sa employee program sa opisina.

Thanks much!

Sunday, January 23, 2011

D - DAOT

pangngalan
isang metapisikal na insekto, insulto


[Skip muna ako sa C – CANCER. Naubusan ako ng tissue. Crayola ever ito. Bukas nlang, D muna ngayon.]

Isang malaking ka-dautan ang naganap sa Malate nung Byernes ng gabi sa dalawang simpleng kadahilanan:

1. Ang kaibigan kong si T at D ay mga daot.

Don’t get me wrong. Hindi ako plastikera at lalung hindi ako emosyonal. Hayaan nyo muna ako magpaliwanag.

Dahil maaga pa naman upang mag tugs-tugs sa Chelu at dahil gusto muna namin ma-ngenge bago kumembot, entourage ang mga beki sa 1810. Super videoke galore. Dun namin na-meet ang mga friendships ng mga friendships. The usual “Hi-hello, I’m Kimberly. Are you Kimberly too? Oh, of course. We’re in Malate after all.” drama. Pero dahil nagtext si ex-fling D na ngayon ay isang ganap na kaibigan, pina-join ko na sya sa clique. At dun nagsimula ang pangangati nila T and D. Super can-I-hold-your-thighs-under-the-table ang drama nila.

Ang sabi ko sa kanila, kaibigan ko sila pareho at parehong dysfunctional ang love life nila. Wag nila ako idamay sa gulong siguradong mangyayari kapag nagkembular sila. Pero ano pa nga ba’t mas matindi ang pangangailangan kaysa sa payong kaibigan kaya’t dinaot nila ako.

Fine. Malalaki na sila at may sarili ng pag-iisip. Pero sana kaunting respeto naman sa ‘kin diba?

Sige na, aaminin ko na. May slight akong insecurity kay T. Tisoy, mayaman, engineer, wafu. Ano ba ang laban ng tisoy na salamat sa…



Wala di ba? Pero don’t think na may gusto pa ako kay D. Wala na talaga. As in. Mas girl na nga sya sa kin ngayon eh.

The point is, kapatid na ang turing ko sa kanilang dalawa. Ang halay naman na mag-jerjer ang mga kapatid mo di ba? Kakasuka lang.


2. Solo flight akez sa Chelu.

Nang mapagtanto ko na nasusuka na talaga ako sa pandadaot sa akin, fly akez sa Chelu with two other bekis N and A. Si N, nakasama ko na sa Republiq dati pero hindi kami masyado close – until that night. Si A, nung gabi ko lang nakilala.

In furr, first time ko sa Chelu. Mas sanay ako sa crowd ng Bed at O-bar. Mejo hindi ko gets ang timpla ng music at ng bihis ng mga tao dun. Pero hindi yun ang pinakamalupet. Sabog ang base nila. Masakit sa tenga.

The cut the long story short, naging item si N at A. Akala ko pa naman friendships ever kami na super dance sa Chelu. Ako pala ay isang bonggang solo flight. I swear, parang narinig ko ang All by Myself ni Celine Dion sa background.



Bakit ang mga friendships ko nagkakariran? Isa ba itong sumpa?

Oo, alam ko. Isa akong malaking hadlang sa pag-iibigan ng mga kaibigan ko. Can't they just stay as my friends and not fool around? Am I asking too much?

Friday, January 21, 2011

Intermission - Malate Friday Night


Tonight, I'll be with the gay boys E and T for a nomo session again and again in Malate. Crayola kasi si beking T dahil iniwan sya ng jowa nya for another beki. Unti-unti na syang nababaliw at sa aking huling narinig, kinukumutan nya ang kanyang cellphone para hindi lamigin at night. Todo post din sya sa fb na nagpapahiwatig ng kanyang pagka-bitter.

It's a sad life for all us bekis. Sobrang dali makahanap ng jowa/instant gratification. Kaunting nomo, kaunting pagpapakilala, kayo na/jerjer na. The problem is making it last. Ako, I've never had a relationship that lasted longer than three six months. I'm not proud of it, pero may magagawa pa ba ako? It's either ako ang katihin na parang higad o sya. Mostly, it's me :) 

Pero promise ko, I'll be a good boy tonight. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Bilang ganti, hindi ako titingin sa iba mamaya. Hindi rin ako magbibigay ng number sa hindi kakilala. Hindi rin ako magpapahalik sa kung anu-anong parte ng katawan. In short, ako ay isang wallflower mamaya.


I love it. And I love you, Nix!

Wednesday, January 19, 2011

Intermission - Flowers for Nix

Last night, I decided to give flowers to someone I really, really, really like. Nothing planned. I just thought of giving him flowers that day.


To tell you honestly, it's my first time to give flowers to anyone. I was given flowers before and that merits another blog entry.


Walking along Makati Avenue last night on my way to Nix's office, I feel everyone's gaze upon me. It kinda burns a bit. But hey, I am Ero's warrior. A man in love. God, it feels great!


I bought the flowers from Nature's Touch.


Nix, please forgive me for all my shortcomings. As I said,
less words, more of you and me. And I also want to
apologize for the pink ribbon and wrappings.
I know, girly :)

Tuesday, January 18, 2011

B - BASAG ANG PULA

Ba-sag-ang-pu-la
Adjective
May sira sa utak

Nakaka-inis kapag nabasag ang pula ng itlog pagpitik mo ng tinidor. Minsan naman, pagbagsak sa kawali tsaka lumalabas yung yellowish sticky stuff otherwise known as egg yolk. Syempre pa, sunny side up dapat ang drama.

Pero ang malupit kapag bulok ang itlog. Nakakadiri. Iniisip ko pa lang bumabaligtad na tyan ko. Parang isa sa mga kamag-anak ko na basag ang pula.

Ilang araw lang ang nakalipas nang sumambulat ang ginawa nyang kalokohan sa jowa nya. Sa totoo lang, matagal na ang issue na ‘to. Simula pa lang ayoko na sa kabit nyang mukhang bangaw (pero syempre hindi iskabeche ang pagpapakilala nya – boss daw).

Nung una wala akong pakialam sa ginagawa nya. Kung gusto nya sirain ang buhay nya, go lang. Malaki na sya. May b*lbol na, sabi nga ng matatanda. Quite in fact, mas matanda sya sa kin. Pero alam ko sa sarili ko na pag umiyak yan, makikipaghabulan pa rin ako ng taga. Wala yatang makaka-dehado sa lahi namin.

Pero, pero, pero, matanong ko lang kung bakit isa’t kalahating sinungaling sya. Napakarami nyang pinagtagpi-tagping kasinungalingan na nakaka-apekto sa aming buong mag-anak. Nakakasakit din sya ng mga taong walang kaalam-alam.

Kapag maglalakad kayo sa compound namin, madadama mo ang kakaibang feeling. Yung parang nae-ebs ka na pero malayo pa ang banyo. Tapos maraming tao na nakatingin sa’yo kasi alam nila na nae-ebs ka na. Ansama ng pakiramdam.

Hanggang ngayon, hinahangad ko pa rin ang kabutihan nya. Hindi na maibabalik ang dati pero mabubuhay kami ng tahimik – ng wala sya. Sana maging masaya at mapayapa din ang buhay nya.

Iyan lang ang hiling ko, aking pinsan.

Saturday, January 15, 2011

A - ANONYMITY

an•o•nym•i•ty
noun \ˌa-nə-ˈni-mə-tē\
obscurity, facelessness, namelessness

We have our own reasons for making ourselves anonymous in cyberspace. Sometimes we want to make a totally new personality from what we really have. We can be whatever we want to be. I mean, who wouldn’t want to be cited as cool and outgoing when we really are a pretty depressing slob in real life?

Other side of the coin, people use anonymity to be their real selves. When no one knows you, you don’t have to be politically de riguer all the time and pleasantries are only reserved for people who you think are just like you in real life.

Although it is still debatable whether computer-mediated technology brings about the basest of impulses due to crowd and antisocial behavior - therefore one may act in a manner not necessarily within one's normal behavior - or not, one cannot attest that one may express himself more freely when one is not likely to be judged unfairly.

Kaya pala maraming bading na may blog. Nagtatago sila ‘neng. At extra booking :D