about this blog

Others want it hard, others semi-hard. A few have it poached from them. The rest wants the freakin’ cacophony of an omelette. As for me, I want it sunny side up – life, that is.

Thursday, August 18, 2011

Ang Paghihiwalay


Unti-unting ibinaba ni Ronald ang tasa ng kape na kanina pa tangan-tangan at pagkatapos ay inilapag sa bangkong kinauupuan. Kanina pa ito walang laman ngunit tila nasanay na ang kanyang palad na may hawak na inumin.


Napatingin sya sa silid. Napakaraming kalat na kailangang ligpitin. Mayroong mga plastik ng pinagkainan at patong-patong na plato at mga kubiyertos sa mesa. Ang mga pinagbalatan ng kendi ay nagkalat din sa sahig. Kahit ang mga upos ng sigarilyo ay kung saan-saan nakasiksik. Mayroon sa ilalim ng mga bangko, sa ibabaw ng mesa, at kahit na sa ibabaw mismo ng mga bangko.


Tumayo si Ronald at nag-inat ng katawan. Ilang oras na rin pala syang nakaupo sa ganung posisyon habang nakatitig sa kawalan. Masakit na ang kanyang likod sa pag-upo sa bangkong walang sandalan. Ang kanyang balikat ay namimintig na rin.


Nang maramdamang bumalik na sa ayos ang sirkulasyon ng dugo sa kanyang katawan, siya ay naglakad palabas ng silid para silipin ang kalsada.


Malamig.


Madilim.


Walang tao.


Tinignan ni Ronald ang kanyang relo at siya ay napabuntong-hininga. Ito ang pinaka-ayaw nyang oras nitong mga nakalipas na araw. Makalagpas ng alas dos ng madaling araw, alam nyang mag-isa na naman sya. Uuwi na ang mga kamag-anak at mga kaibigan. Pero kung tutuusin sanay naman siya mag-isa. Labing-walong taong gulang pa lang sya ng humiwalay sa poder ng mga magulang upang mag-aral sa Maynila.


Hindi nya kailangan ng kausap o karamay. Kaya nya mabuhay mag-isa. Pero hindi ngayon.


Tinalikuran na ni Ronald ang kalsada at inaninag ang natutulog na esposo. Alam nyang hindi nya kayang magpaalam dito pero susubukan nya. Kasabay ng pagtirik ng bagong kandila ay ang pangakong hindi na muling iibig pa.





9 comments:

Nishi said...

naks. fumifiction.

NOX said...

la lang. wala magawa :)

~Carrie~ said...

ay! friction pala :|

Unknown said...

hey bro, mahirap ang goodbye.

ka bute said...

isa lang ang masasabi ko. mahirap ang mag-isa. @_@

zeke said...

bat ganito lahat ng nababasa ko ngayon? puro tungkol sa pag-iisa.. :{

Sean said...

ang sad :( goodbyes are always hard for me. ako kasi lagi yung natutulog na asawa hahaha.

NOX said...

genen? LOL. mwah! :))

chino said...

This is a sad blog post. soo heartfelt . tapos may video ka pa ni sarah mclachlan. nakagawa na rin ako ng ganitong post sa personal blog ko .