Isang paalala sa sangkabaklaan nationwide. Well, isama na rin natin ang mga afam tutal sila naman ang pasimuno nito after ng Stone Wall Riots nung 1969. Like how appropriate can we get? Pati year swak na swak! Pakak!
Ang buwan ng Hunyo ay hindi lamang ang panahon ng pagtataling-puso ng mga pechay at mga kawawang otoko. Ito rin ay isang pagdiriwang ng paninindigan at pagmamalaki na tayo ay proud to be Kapusong Mamon. At dahil dito, ang mga Mother Superiora ay gumising ng maaga despite their skull-shattering headache due to heavy-duty partying every weekend upang gumawa ng month-long program para sa atin.
Di ba, bongga lang sila?
Bilang ganti naman sa mga nabanggit na Mother Superiora ay try naman nating mag-attendance sa mga programa nila. Si atashi, fresent sa White Party fer sure! Bet ko din manood ng Pride March. Aabsentus na lang akey. Choz!
Eto mas bongga. On June 25, you are requested to change your profile pic sa FB into a photo of a rainbow flag. Taray! Vahala ka na to be as creative as fossivle (Actually, hindi ko sure 'to. Hula lang. Hahahaha!).
Akin na 'to. Wag na gumaya. |
Prize? Wala. Kailangan talaga may prize?
For more details, please see below :)
7 comments:
Thanks for sharing, sis! :)
ateng, asa pinas kba ng june?
pupunta ako sa white partey.
nuod ako ng Caredivas..sinu gusto mag-join?
ay may idea na akey! hihihi. :)
never pa akong nakapanood ng pride march, kainis. ok na rin sigurong substitute ang oblation run lol
@carrie - np, sis! mwah!
@nishi - tayez!
@dp - hindi ako mahilig sa mga stage play. ako na ang hindi cultured! hahahaha
@chuni - ano na namang kalokohan kaya yan... choz!
@orally - december yun ateng. nuod ka this year :)
Post a Comment