about this blog

Others want it hard, others semi-hard. A few have it poached from them. The rest wants the freakin’ cacophony of an omelette. As for me, I want it sunny side up – life, that is.

Tuesday, January 18, 2011

B - BASAG ANG PULA

Ba-sag-ang-pu-la
Adjective
May sira sa utak

Nakaka-inis kapag nabasag ang pula ng itlog pagpitik mo ng tinidor. Minsan naman, pagbagsak sa kawali tsaka lumalabas yung yellowish sticky stuff otherwise known as egg yolk. Syempre pa, sunny side up dapat ang drama.

Pero ang malupit kapag bulok ang itlog. Nakakadiri. Iniisip ko pa lang bumabaligtad na tyan ko. Parang isa sa mga kamag-anak ko na basag ang pula.

Ilang araw lang ang nakalipas nang sumambulat ang ginawa nyang kalokohan sa jowa nya. Sa totoo lang, matagal na ang issue na ‘to. Simula pa lang ayoko na sa kabit nyang mukhang bangaw (pero syempre hindi iskabeche ang pagpapakilala nya – boss daw).

Nung una wala akong pakialam sa ginagawa nya. Kung gusto nya sirain ang buhay nya, go lang. Malaki na sya. May b*lbol na, sabi nga ng matatanda. Quite in fact, mas matanda sya sa kin. Pero alam ko sa sarili ko na pag umiyak yan, makikipaghabulan pa rin ako ng taga. Wala yatang makaka-dehado sa lahi namin.

Pero, pero, pero, matanong ko lang kung bakit isa’t kalahating sinungaling sya. Napakarami nyang pinagtagpi-tagping kasinungalingan na nakaka-apekto sa aming buong mag-anak. Nakakasakit din sya ng mga taong walang kaalam-alam.

Kapag maglalakad kayo sa compound namin, madadama mo ang kakaibang feeling. Yung parang nae-ebs ka na pero malayo pa ang banyo. Tapos maraming tao na nakatingin sa’yo kasi alam nila na nae-ebs ka na. Ansama ng pakiramdam.

Hanggang ngayon, hinahangad ko pa rin ang kabutihan nya. Hindi na maibabalik ang dati pero mabubuhay kami ng tahimik – ng wala sya. Sana maging masaya at mapayapa din ang buhay nya.

Iyan lang ang hiling ko, aking pinsan.

4 comments:

c - e - i - b - o - h said...

hope your message be delivered to ur cousin.. hehehe

first time d2.. ^_^

NOX said...

sana nga kiko. sa totoo lang, gusto ko na syang makausap ng masinsinan. pero bago yun, sasampalin ko muna sya. hehehe

thanks for dropping by!

Desperate Houseboy said...

Hahaha, meron ako naalala noon Papa Nox, kapag nabasag daw ang itlog na di pa oras para ulamin, ilagay muna sa baso ng tubig para magamit pa ang itlog later. Eh blood is thicker than water, sa dugo natin ibabad (Konek)... Sana maintindihan niya ang nangyayari sa paligid niya dahil sa mga ginawa niya. :)

NOX said...

tsong dh, thanks sa tip! gagawin ko yan :)