about this blog

Others want it hard, others semi-hard. A few have it poached from them. The rest wants the freakin’ cacophony of an omelette. As for me, I want it sunny side up – life, that is.

Saturday, January 29, 2011

Let’s talk about sh*t baby

[Pasintabi po sa mga kumakain o sensitive ang tyan. Ay susunod na entry ay may kinalaman sa bagay na tinatawag nating “tae” or “dumi”.]

Simula nung nagkasakit ako nung Lunes, ang kinakain ko lang ay…



at…



at todong lumaklak ng…


Sabi ng doctor, nagkaroon daw ako ng influenza. Dahil ako ay natural na kontrabida, I beg to disagree. Pakiramdam ko ako ay nagka-Gastroenteritis.

At bakit ako nagmamarunong? Ito lang naman ang mga pinagdaanan ko:

1. Habang umuulan ng Lunes ng umaga, may sinat na ako na naging full-blown sakit pagdating ng hapon. Salamat nga pla sa van sa ilalim ng Ayala station na mahina ang aircon. In some other day siguro susumpain kita pero love na love kita nung Lunes. Pag uwi ko, narealize ko na sobrang lamig na sa Pilipinas at magugunaw na ang mundo.

2. Namilipit ang tyan ko kinabukasan na sinundan ng malimit na pagbisita sa palikuran. ‘Nnuff said. Ang sabi ng bestfriend kong nurse ay baka may amoebiasis daw ako. Pag ganun daw, amoy panis at mabula ang ebs (eeeeewe…). Hindi naman ako umabot sa puntong yun. Let me stress lang na masakit talaga ang tyan ko na akala ko may appendicitis na ko.

3. Sobrang nanghina ako na kahit pagtayo at pagsesepilyo ay hindi ko na kinaya. Mumog na lang ang katapan. I love cavities muna.

4. Namayat ako ng a few pounds. Tubig lang pala (o alcohol) ang na-gain ko this Holiday season.

Habang namimilipit ang tyan ko sa sakit, napaisip ako na malungkot magkasakit kapag malaki ka na. Wala ng bibili ng Sky Flakes at Royal Tru Orange. Wala na din magpupunas ng alcohol (hindi Red Horse – yung rubbing alcohol) para mapanatiling malinis ang katawan. Wala na din hihipo ng noo para i-check kung may sinat. At pangarap na lamang ang pasalubong na Jollibee Chicken Joy pag-uwi galing opis.

Boo hoo

5 comments:

Desperate Houseboy said...

Okay ka na ba? u get well soon. :)

NOX said...

yep, okay na ko. actually, papunta na ko sa tugs tugs. hehe

nyabach0i said...

nagfecalysis ka ba? baka stomach flu. sabagay ang stomach flu ay gastroenteritis rin. hehe. common name.

Sean said...

babatiin sana kita ng feel better, yun pala maglalamyerda ka na haha! since na-miss mo yung pinapahiran ng alcohol, pamasahe ka na lang ng may alcohol. pero hindi ata noo ang hinihipo dun eh. likod, kaw naman.

NOX said...

@nyabach0i - nope, no need na. sobrang okay na ko :)

@sean - san ba may ganun? ahahahhahaha! sa asawa ko na lang. baka mayari ako :))