Below is a short story I wrote years and years ago. It's a gay high school boy fantasy.
Hindi ko sya tinapos dati kasi busy na ko nung college. Medyo marami ako binago. Sobrang chaka pala ko magsulat dati but not that magaling na ko ngayon.
Feedback will be appreciated :)
*********
214
Chapter 1: Say it Again
“Shootangina, ang aga ko today.”
Ako pa nga lang ata ang tao sa school ngayon maliban sa mga empleyado dito. Tapos na ko maglagay ng gamit sa locker kaya dumiretso na ko sa harap ng D Building. Para tuloy akong tuod na naghihintay sa harap ng flag pole para sa flag ceremony.
Paisa-isa na nagdadatingan ang mga estudyante. Nagumpisa na din ang mga kumpiskahan ng mga ID para sa mga matitigas ang ulo. Di nagtagal, dumating na si Jenny, ang nanay-nanayan ko sa school.
"Hoy, anung merun at maaga ka?"
Isang babaeng may tangkad na 5''7 at may bahagyang katabaan, otherwise called as chubby, ang lumapit sa akin at yinapos ako. For a few seconds, nakalimutan ko na dapat nga pala huminga ang mga human beings.
"Hindi ako makatulog kagabi. Nanood ako ng Baker King. Wala pa kong tulog."
Partly true.
"Ah, ganun ba?", sabi nya na para bang nalito sa baluktot kong pagdadahilan. "Pa-hug na nga lang ulit. Ang cute, cute, cute mo talaga!"
"Jen, adik lang? Jen? Aray. Jen masakit na. Jen! ARAY!"
Napatingin sa kin lahat ng nasa harap ng flagpole. Ang mga bibig na dating aligaga sa pakikipaghontahan ay nakanganga ngayon. Tila ba gusto nilang sabunutan ang early morning eksenadora.
Muli na namang nag-usap ang mga bibig na nabanggit at tila pinagtatalunan if it's worth it na sabunutan ang nakitang eksenadora.
Pero may isang pares ng mata na patuloy sa pagtitig sa kin. Pares ng matang bihag ng bilugang salamin. Mga matang ilang araw ko na iniiwasan.
Sa iba ako bumaling ng tingin. Wala ako sa kondisyon para mag-isip. Ayoko na. Sawa na ko. Pasalamat na lamang sa mga diwata ng batis at kagubatan dahil nag-ring na ang bell, hudyat ng pagsisimula ng flag ceremony.
Naging blangko ang isip ko sa kabila ng malakas at nakakairitang sound sytem. Ayoko na mag-sip. Nakukulele na ang isip ko.
Hindi nagtagal ang seremonyas at pinayagan ang mga estudyante na umakyat sa kanilang mga room. Wala sa isip ko ang magmadali. Ayaw ko na makakakuha ng hindi kinakailangang atensyon.
"Robert," sabi ni Jen sabay kalabit sa kin. "Sorry kanina ha. Hindi ko lang napigilan." Pagkatapos sabihin yun ay akma namang kukurutin nya ko sa pisngi. Nakaiwas naman ako, thank you very much.
"Okay lang Jen, no harm done. Una ka na sa taas. May hihintayin lang ako."
"Sino?"
Wala akong maisip na pangalan. Isang tao lang ang dumapo sa wisyo ko. "Si Kuya Jake, manghihiram ako calculator."
"Ah, okay. See yah later!"
Umalis na nga si Jen at iniwan ako malapt sa may Guidance Center . Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero ikaluluwag ng dibdib ko to have some time alone. Kailangan kong huminga ng malalim. At magpigil.
Magpigil ng nararamdaman.
"Tama!"
"Ang alin?"
Say it again for me
Cause I love the way it feels when you are
Tellin' me that I'm
The only one who blows your mind
Say it again for me
It's like the whole world stops to listen
When you tell me you're in love
Say it again
"Say it again."
"I love you."
Biglang tumigil ang tugtog sa isip ko. Kelangan tumigil na ko sa pagbili ng pirated CDs. Tumatalon kahit soundtrack sa guniguni ko.
"Rob, okay ka lang ba?"
Lumalabo na ata ang paningin ko. Parang may nagsasalita sa harap ko. Tiningnan ko sya ng mabuti ngunit hindi ko kinakailangang mag-isip ng matagal para makilala sya. Sa totoo lang kilala ko sya.
Ng mabuti.
Sya ang ang nagmamay-ari ng pares ng mata na nakatitig sa kin kanina.
"O-ok lang a-ako..." Kumakabog ang dibdib ko. Kung sa nerbyos o kilig ay hindi ko na alam at wala na rin akong pakialam.
"Iniiwasan mo ba ko?"
"Huh? Pano mo naman nasabi? Di ba sabi ko wala lang sa 'kin yun?"
"Sige, sige. Buti naman. O, ID mo. Nahulog ata."
"Ay, salama-"
"Thank me later. See you."
Hinawi nya patalikod ang kanyang buhok at walang patumanggang kumindat sa akin. Umakyat na sya ng D Building at iniwan akong tulala.
itutuloy...
6 comments:
ano'ng meron?
wala lang. bawal magsulat ng short story? haha
haha natawa ako sa comment ni nOx :)
ayeehee :D ang galeng galeng :D
it's quite entertaining... :)
all: thanks!
Post a Comment