about this blog

Others want it hard, others semi-hard. A few have it poached from them. The rest wants the freakin’ cacophony of an omelette. As for me, I want it sunny side up – life, that is.

Saturday, February 26, 2011

Ang Mga Lalaki sa Buhay ni Nox

Kahapon, habang pauwi ako galing work, bigla ako napaisip kung bakit laging short-lived ang mga relasyon ko. Ako ba talaga ang may problema? Ganito lang ba talaga pag PLU ka? Mali ba ang expectations namin sa isat-isa? Isa pa ba akong Nene para makipag-relasyon? In short, tinalo ko pa sa Socrates sa dami ng mga tanong ko.

At dahil dito, gumawa ako ng listahan ng mga *lalaking nagkaroon ng puwang sa aking puso (shet!). Hindi kasama ang mga flings, textmates, at one night stand – yung mga naging dahilan lang kung ano na ako ngayon. Kung ano na nga ba ako ngayon ay isang topic altogether.

So without further ado, eto sila:

Pangalan: R a.k.a Morrigan Aensland
Edad : 30 something
Tirahan: : somewhere in Malate
Commonalities : mahilig kami sa anime, arcade, at video games
Terms of Endearment: Wala

Story:
Nakilala ko si R sa Facebook. I know, kaderder lang. Pero kasi naman, nene pa ko nun. Malay ko bang jologs pala umaura sa Friendster. Pero in fairness to me, wala akong account sa PR, G4M, Grindr, at kung anek anek pa.

Sya ang unang date ko. At in fairness to me, Glorieta/Greenbelt nya ko nilibre. Bilang estudyante na nag-aaral sa Maynila at the tender age of 18 (at take note na tubong Cavite akey), gandang-ganda ako sa Makati. Kulang na lang halikan ko ang mga floor tiles ng Greenbelt.

At sa unang date namin, kung anu-anong binigay nya. Mga laruan. B-Daman figures, Dragon Ball collectible cards, puzzle toys, etc. etc. Dun kami nagkasundo. Isip bata kami. Plus, favorite character nya si Morrigan Aensland – one of my favorite characters ever

Hindi naging issue sa min ang edad nya dahil mukha lang kami magka-klase nung college.

Bakit Naghiwalay:
After a few times ng pagde-date, medyo nauta ako sa boses nya. Boses matandang babae kasi sya. Hindi ako naa-arouse kapag kausap ko sya sa cellphone. Hindi na lang ako nagparamdam.

Huling Balita:
Ang alam ko jowa pa rin nya yung Chinoy na ipinalit nya sa kin. Sabi nya pa nung huling nagkita kami, sobrang wapak daw ng nota ng jowa nya. Pinkish.

Song that first comes to mind:
Wala


Pangalan : D a.ka. Santino
Edad : 24
Tirahan: : Cavite
Commonalities : pareho kaming achiever sa school, at pareho kaming talande
Terms of Endearment: Wala dati. Pero ngayon Bes na

Story:
Nakilala ko sya through his friend na nanliligaw sa kin. Yes, may nanliligaw sa lola nyo kahit hindi sya kagandahan nung nene pa sya. Siguro kasi nadala ng aking wit and bubbly personality. Me ganun?! Anyway, hindi ko type ang friend nya at sya ang type ko pero it took us 2 years bago naging intimate ang relasyon namin. Hindi ko na maalala kung bakit. Basta biglaan na lang na tatawag sya sa telephone. Syempre hindi sanay sa bahay may tatawag sa kin araw-araw na lalaki kaya mejo ilang ako.

Bakit Naghiwalay:
Na-realize nya siguro na pangit ako (dati…hahaha!) at hindi nya ako maipakilala sa mga friends nya. Actually, there was a time na nasabi nyang nagustuhan nya ako dahil “hindi ako masyadong gwapo.” Naisip ko tuloy ngayon, what the fuck ah. Natiis ko yun dati? Besides, up to now, closeta pa rin si gaga sa mga close friends nya. Religious din sya kaya siguro nakokonsensya sya ng slight.

Huling Balita:
Friends kami ngayon. Actually, Bes ang tawagan namin. Minsan nga nagma-Malate pa kami with other friends.

Song that first comes to mind:
Boom-tarat-tarat. Lagi kasi Wowowee ang palabas sa TV kapag tumatawag sya sa bahay.


Pangalan : M a.k.a. Emo Boy
Edad : 27
Tirahan: : Bulacan
Commonalities : Wala. Common friend lang
Terms of Endearment: Hon

Story:
Ipinakilala si M ng aking friendship nung high school. Pinakita nya yung pic ni M sa cp nya tapos na lust at first sight akey. Sobrang macho kasi ng dating ng lolo nyo. Tapos balbas sarado. Tapos skinhead pa dati. Kaya add ko agad sya sa Friendster (korek, uso pa Friendster nun).

Sobrang bait nito ni M kaya sya talaga ang first love ko. Tumagal kami ng 6 months, so far ang pinakamatagal ko. From Accenture Pioneer, pumupunta sya ng SM Makati para makipagkita. Tapos pupunta kami Greenbelt to have dinner or coffee. Ganung drama.

Bakit Naghiwalay:
Obviously, North to South ang drama namin ni Emo Boy pero we always find time na magkita once a week. Pero nung naging issue sa min ang time na nagsasama kami ng bestfriend ko na girl every weekend, mejo unti-unti nawala feelings ko sa kanya. Opo, patawad na po, mababaw na dahilan yun. Nene pa po ako eh. Isa pa yung pagiging emo nya at times. Nakakahawa kasi.

On the day of our sixth monthsary, nakipaghiwalay sya sa kin. Hindi ko naman sya pinigilan. A few months after naming maghiwalay, akala pala ni M pipigilan ko ang break up. Kaso at that time kasi nasasakal na ko. Pero when I look back and reminisce, sya talaga ang pinaka-wapak sa mga naging lalaki sa buhay ko. Tanga lang talaga ako.

Huling Balita:
May jowa na sya ngayon pero alam ko bitter pa din sya sa kin. Mahirap lang talaga kalimutan ang lola nyo. Hahahahaha! Pero seriously, gusto ko mag-move on na sya at maging happy na. A person as good as him deserves nothing less.

Song that first comes to mind:
You and I Both – Jason Mraz


Pangalan : Y a.k.a Boy Hapon
Edad : 19
Tirahan: : Cavite
Commonalities : taste in music, love for family
Terms of Endearment : Mahal

Story:
Nakilala ko naman sya sa FB (hindi na talaga ako nadala, pramis). Nakita ko kasi primary pic nya. Sabi ko, yum yum. Hahahaha! Tapos may skinhead pic pa sya. Ok, may fetish pala ako sa mga semi-kalbo. Ok, fine.

After kasi ni M, nagsimula na ako magpaganda ng sarili. In short, nagdalaga na si Maximo Oliveros. Natuto na ako manamit at marunong na rin makipag-usap sa mga bagong kakilala. Kay Y ko unang napagtibay ang oral skills ko. Hahaha!

Dakota Harrison ang lolo nyo. Akala ko dati wala ng tatalo pa sa kin (salamat kay ama dahil sa genes nya) pero wala ako ma-say kay Y. Minsan nga natatakot na lang ako pag may flag ceremony na. But wait, there’s more. Magaling sya sumerbisyo. Naging active ang sex life ko dahil sa kanya.

Pero hindi lang naman sex object ang tingin ko sa kanya. Nahulog ang loob ko sa kanya dahil sobrang maalaga sya. Minsan nga pakiramdam ko husband and wife kami. Ako ang tatay, sya ang nanay. Tapos legal kami sa bahay nila (syempre sa min hindi).

Bakit Naghiwalay:
Nagsimula syang manlamig nung ipakilala ko sya sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam pero baka nagkaroon sya ng insecurities kasi hindi sya tapos ng high school (yes, pwede akong maireklamo sa Bantay Bata ng mga panahong yun). Hanggang sa tuluyan na kaming maghiwalay dahil nangengealam ang ex nya sa relasyon namin.

Grabe ang pagka-inlababo ko sa gagong to. Ilang buwan ko din syang iniyakan. Na-adik ako sa paglalasing sa Malate para makalimutan sya.

Huling Balita:
It took me 3 months to totally get over him. Pero ngayon hindi ko na talaga maintindihan kung bakit nagustuhan ko sya – aside sa malaki ang nota nya. Nakita ko sa FB ang current jowa nya. Jejemon. Jejemon sila pareho. Promise, wala ng bitterness.

Song that first comes to mind:
Hey, Soul Sister - Train


Pangalan : Nix a.k.a Huggabug
Edad : 26
Tirahan: : QC
Commonalities : pareho kaming Isko
Terms of Endearment: Boss

Story:
At dahil naaliw ako masyado sa Malate, aminado ako na naging kaladkarin ako. Kung sino-sino ang nakilala ko every weekend. Nakalimutan ko nga pangalan nila eh. Sa totoo lang, may mga pangalan sa phonebook ko na hindi ko na maalala kung sino talaga.

Hanggang makilala ko si Nix nung Black Party sa Malate. Hindi ko talaga sya type nung una. Kire kire lang talaga ako nun. Pero dahil pareho kami Isko, mas marami kami napag-usapan. Plus, sobrang sweet ng lolo nyo. Hinatid nya ako sa sakayan ng bus that night (este, morning na pala) nung pauwi na ako. The rest, nandito naman eh.

Bakit Naghiwalay:
Dahil dito. Tsaka dahil madalang kami magkita. Ngayon, na-realize ko na importante pala ang madalas na sex pagkikita sa kin. O diba, may silbi pala tong blog post na to.

Huling Balita:
Andito din. Pero I have not been entirely honest, or at least hindi ko nakwento lahat. Please see next lulurki below.

Song that first comes to mind:
Marry You – Bruno Mars


Pangalan : C a.k.a Ciao, Marco, Ciao!
Edad : 26
Tirahan: : QC
Commonalities : achiever, opinionated, makuda
Terms of Endearment : Ateng, Teh

Story:
Habang kami pa ni Nix (or something to that effect – hindi kasi klaro kung kami talaga) nung early December, nakilala ko si C sa isang bar sa may Manila Ocean Park. Isa syang med student. O diba, sino ang aayaw sa isang magiging doctor isang araw? In short, nasilaw ako. At na-arouse ng bongga. Wapak kasi ang lolo nyo. Nakakahiya nga sa abs nya eh. On that same night, nagka-chikinini ako. At malamang may impact ito kung bakit ako hiniwalayan ni Nix. Kwento ko na lang next time. Masyado na mahaba to.

Bakit Naghiwalay:
Hindi naging kami at hindi ever. Masyado kumplikado ang buhay nitong si C. Ayoko na dumagdag pa. Simula pa lang klaro na sa min na friends lang kami.

Huling Balita:
Wala naman. Same old, same old.

Song that first comes to mind:
Wala


*In case lang na hindi klaro, bading silang lahat. Hindi po ako pumapatol sa straight, thank you very much.

30 comments:

c - e - i - b - o - h said...

kaloka ka!! ahahaha.. ang ganda-ganda mu kasi eh,, at ayan tuloy, nahihiya na akong sumama sa'yo if ever sa malate,, gondorah ka eh.. hehehe..

saya ng entry mu na ito,, very informative!! LOL
happy sabado!

nOx said...

ateng, nadala lang ng personality. char!

leche ka. mag-malars na tayo soon! pm ko cp number ko.

exanthiel said...

well...sabi nga nila may yaman sa basura ng iba..the more you let go the more other people can get...

karera na to! paunahan na!! bwahahahaha :D

joke... :D


siguro :>

Pipay said...

wow nox...wow...wala akong masabi kundi wow...tsaka wapak!!!! ;)

Sean said...

at hindi pa kasama dito ang mga flings, textmates, at naka-one night stand. hay, mukhang binakaw mo lahat ng pinaambong kagandahan hehe.

Nishiboy said...

teka teka tekaaaaaaa.

nagulo buhay ko dito. haha.

khantotantra said...

andaming lovestory. :D
may nalaman ako sa blog ni sir baklang maton, sa buhay daw ng tao, quota ka na kapag naka-15 na relationship n.

nOx said...

@exanthiel - bata ka pa. sana'y wag mong tahakin ang landas na tinahak ko. char!

@pipay - tse! buti ka nga may pumbaa na :)

@sean - actually, ikaw ang next target ko kuya. char! wehehe. pero seriously, nadala lang talaga ng personality. haha! :))

@nishi - mema comment ka nga.

@khantotantra - o nga. nabasa ko din yun. ibig sabihin, marami pa akong bigas na kakainin. hehe

Pipo said...

bet ko si emo boy. hahahaha

nOx said...

ganun?! bakit naman emo ang bet mo?

Ewan said...

toink...

i can't understand myself...

bakit ako hindi mahilig sa gay/bi...

nOx said...

@ewan - hello! whatever floats your boat, keri yan. that's the good thing about PLU peeps: we can sit wherever we want :)

Nimmy said...

nice at natuto ka sa mga past relationships mo. eeeeeeeeeeeee!

btw, sa friendster kami ngsimula ng asawa ko. mag-5years na kami this coming summer. kaya wag mawalan ng pagasa. :)

nOx said...

@nimmy - nimmmmmmmmmmmyyyyyyyyy!!! wala lang :))
actually, nde ko alam kung natuto na nga ba ako. hehe

kayo na talaga ni leo. kayo lang. kayo lang maligaya. bitter much? hehe :))

Mr. G said...

Ang importante, you learn lessons sa mga relasyon...nice blog! keep it up!

glentot said...

Looks like you had a good run... hehehe... Ang cute nung You and I Both ah... sana lang walang associated na bad memories to that really good song...

nOx said...

@Mr. G - hehe. thanks, mr. g! mwah :))

@glentot - wala naman bad memories. good ones lang. minahal ko naman si emo boy kaya kahit ngayong hiwalay na kami. i wish for him to be happy :)

Mac Callister said...

ang haba naman ng hair aba mukhang mga hot and cuties tong mga to a~

Desperate Houseboy said...

ang sasarap naman nila nox. minsan share your blessings. anyways, thank you, love the song Crash into Me by Dave Matthews band. I got a complete album nila. kapag magaling na ko kumanta, cocover ko yun for you.

Ronnie said...

Kaloka ka, teh. Kinakabog mo si Elizabeth Taylor haha. Parang ang cutie-slash-hottie ni Boy Hapon.

Pero di ako maka-move on kay Morrigan Aesland haha.

nOx said...

@mac callister - o nga eh. nabulag ko sila. hahahaha! :))

@hboy - yay! love that song kasi :)

@ronnie - ateng, hindi ko naman sila asawa. bakit naman elizabeth taylor. hahaha! and yes, tama ka kay boy hapon. hihi! :))

Will said...

Wow! at pinakita mo nga ang mga pics nila. Nyahahha!

nOx said...

hindi naman tech-savvy mga lolo mo. hindi nila malalaman na kinuha ko pics nila sa fb. hahahaha!

Pyro Phoenix said...

swerte mo naman sa lovelife hehehe bahala nang shortlived! hehe

nOx said...

nde masaya. believe me. nakakapagod :(

charoz!

mots said...

haha :D nakakrami ka na ah. stig

nOx said...

@ser mots - pwede ka ba sumali sa list? choz!

Anonymous said...

Kakatakot ka pala maging jowa. Nilalagay mo pic sa blog -- I presume, without their consent. Hahaha. E panu kung di sila out?

nOx said...

@anony - bakit "presume"? may basis ka teh? choz lang :))

out naman sila except si D.

question: isa kba sa kanila? extra choz :))

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/