Hindi baling maghigpit ako ng sinturon
Na-miss ko rin yung feeling ng competition at mag-top sa exams. Na-miss ko na mag-cram sa pagrereview. Na-miss ko na umiwas sa mga on-the-spot report and recitation. At higit sa lahat, na-miss ko na magkaroon ng gwapong classmate! Choz!
Ang pinag-iisipan ko ngayon ay kung saan ako kukuha ng MA/MS/MBA.
1. UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Syempre dahil dun naman ako nag-college, why not ituloy ko na di ba? Actually, yung friend ko nung college ay enrolled na sa MBA program at papasok na this June. Syempre nanggit ako ng bonggang-bongga. Magkasing-talino lang kaya kami ni friendship. Lamang lang sya ng kaunting GPA. Hahaha! At syempre, abot-kaya ang tuition dito. Mura pa ang pagkain.
The problem is, napakalayo ng Diliman. North to South na naman ang drama ko. Kaya nga hindi ako nag-Diliman nung college. Sa Manila ako. Besides, upon seeing the MBA program syllabus, parang andaming math. Witchelles. Muntikan na kaya ako magka-singko dahil sa pesteng math na yan.
But then again, merung UP Open University at promising ang DevComm program. Pero it defeats the purpose of me “going to school” again. Gusto ko ng madalas na classroom setting. Mas natututo ako. At gusto ko din yung interaction ng class. So, witchelles sa Open University.
LINKS:
UP Academic Programs
http://www.upd.edu.ph/acad2.htm
UP MBA Program
http://www.upd.edu.ph/~cba/docs/MBA%20Brochure.pdf
UP Industrial Relations Program
http://www.upd.edu.ph/solair/images/gsp%20brochure%202008.pdf
UP Open University Development Communication
http://www.upou.edu.ph/academic/programs/mps.html
2. ATENEO DE MANILA UNIVERSITY
Hindi na dapat pagusapan kung bakit gusto ko mag-aral dito. Gwapo ang mga boys, may kotse, mayaman, kabog ang apelido. San ka pa? Kaso nahihiya ako magtanong ng tuition fee sa MBA program.
“What’s the approximate amount per semester for your MBA program?”
“You can’t afford it.”
“Ah, right. You have a point. Thank you.”
LINK:
Ateneo MBA Program
http://www.gsb.ateneo.edu/graduate-programs/standard-mba-program.html
3. DE LA SALLE UNIVERSITY
Nung gumagawa ako ng thesis nung college
Comprehensive ang MA/MS program list ng La Salle, like sa UP. Parang menu lang sa fast-food. One of the programs I like, actually love pala, ay ang Marketing Communications.
Sa aking pag-compute, aabot ng 25k per sem ang La Salle (trisem na ata ang tatlong nabanggit na mga schools). Mabigat ito sa bulsa pero parang kaya naman.
LINKS:
La Salle Academic Programs
http://www.dlsu.edu.ph/admissions/graduate/programs.asp
La Salle Marketing Communications Program
http://www.dlsu.edu.ph/academics/continuing/pdf/cob/MS_Marketing_Comm.pdf
What do you guys think?